We're (except for the boys) already so weirded by the mere presence of a cat inside our house, but it got even more weird yesterday.
Before I left the house Thursday morning to go to work:
Me to Rochelle: Paliguan mo si Keana, kahit ibasa mo lang yung mukha nya, dumi-dumi kasi. Ibasa mo lang, marunong naman yan maligo mag-isa.
When I arrived home Thursday night:
Me: Ayan! Ang linis na ng pusa na yan ah!
Rochelle: Pinaliguan ko kasi yan. Ininit ko pa yung tubig.
Me: Ano?!
Rochelle: Giniginaw nga yan eh...
Me: Pinag-initan mo pa ng tubig?
Rochelle (laughing sheepishly): Eh kasi maginaw...
Me: Ako nga malamig na tubig lang gamit ko, tapos yung pusa, mainit na tubig?? (Break into guffaws)
Rochelle: Nanginginig nga yung paa nya pagkatapos maligo eh (buhat buhat nya si Keana tapos shi-ne-shake nya yung legs) Ganyan o, nginig na nginig sya.
Me: Ganun din yung mga rabbits ko dati pagkatapos ko paliguan. Eh paano mo sya pinatuyo? (Dati kasi, I chased my rabbits around our house para matuyo sila)
Rochelle: Tinuwalyahan ko, gamit ko yung pink na hand towel. Tapos nilagay ko sya sa box nya, binilad ko sa araw.
Me: Binilad mo sa araw? Eh buti di sya nabasa, umulan kanina diba?
Rochelle: Natuyo na naman sya bago umambon.
Me: Aaaahh... buti naman...
Rochelle: Tinanggalan ko pa nga yan ng kuto.
Me: May kuto yan??
Rochelle: Oo, dami nga eh.
Me: Patay na o buhay pa? (napakamot tuloy ako)
Rochelle: Di na sila makagalaw kasi basa... hirap ngang tanggalin eh kasi madulas...
Naka naman. Saan ka pa diba?
We brought in Keana's box and placed it by the stairs because it was a bit more chilly last night. She was meowing the whole night, but soon got tired and curled up and fell asleep around midnight.
Me (by SMS to Jazz): Wag kang maingay pagkapasok mo sa bahay. Keana's asleep in her box by the stairs. Pag nagising yan, ngyaw ngyaw na naman yan.
Jazz (by SMS): Do you know how weird that sounds? hahaha...
Me: Weird na nga na may pusa sa loob ng bahay na 'to. (I forgot what else I wrote to him)
Jazz: May alam ka bang vet? Pa-check natin kung may sickness yan...
Swerteng pusa talaga yan. Magaling pumili ng bahay.
No comments:
Post a Comment