21 February 2008

"May kuting sa tabi ng pinto."

That's what my kids' yaya, Rochelle, said to me when I arrived home last Monday night.

Me: Ha? Kuting?
Rochelle: Oo (laughing) Bigla nalang sumulpot diyan, 'di namin alam saan nanggaling. Nilabas na nga namin yan eh, pero bumalik ulit.

I went out to check and sure enough, there WAS a kitten huddled against the doorframe. It could've been just a month old or so.

Rochelle: Matapang yan, nung hahawakan namin, nag ano, ngaawwrrrr! (sabay hand gesture)

Shempre sinubukan ko rin diba. I took off my sandal and nudged the kitten with it. Ngaaawwrrrr!! Ayun, tapang nga. Labas fangs and claws.

Me: Tapang ah, kala mo siga o. Natatakot lang kasi yan.
Rochelle: Tuwang-tuwa nga si Keoni achaka si Ninja dyan eh...
Me: 'Di natakot si Ninja? (takot sa pusa kasi yun)
Rochelle: Hindi! Tuwang-tuwa nga sya eh, nandyan sila sa pinto, tinititigan nila, tinatawag nila, 'Keana...'
Me: 'Keana'??
Rochelle: Niloloko ko kasi si Keoni, sabi ko 'Keoni nalang pangalan nya', sabi niya 'No!', sabi ko 'Keana?', sabi nya 'OK'.

And just like that, we now have a pet cat. No one's more perplexed about this than Jazz.

Habang pinagkakatuwaan namin si Keana last night:


Me: Ang labo nito, may pusa sa bahay natin. Rabbit or dog sana eh...
Jazz: Sige na nga, aso nalang! (ayaw nya ng aso sa bahay, mabaho raw kasi) Pag pinalaki natin yan, dadalhin pa natin yan paglipat ng bahay.
Me: Shempre! Alangan naman iiwan pa natin yan no? Kawawa naman.
Jazz (grimaces): Eh!
Me: Kilala na tayo niyan. Nag-meow meow nga sa'kin nung umuwi ako kanina. Andun sya sa tabi ng gate, lumabas nga sya nung nakita nya kami.
Jazz: O?
Me: Gustong-gusto sya ng boys.
Jazz: Baket Keana?

Explain naman ako.

Jazz: Eh baket pa rin 'Keana'?
Me: Babae sya eh! Pag lalaki nga raw, 'Keanu'.
Jazz: Ang layo naman yata ng 'Keana' sa 'Keoni' no?
Me: Ano ba!? Pangalan lang yan sa pusa!


An hour later, while waiting our turn at the cashier in Shopwise:


Jazz: Iba nalang, 'wag 'Keana'.
Me: Eh ano?
Jazz: Ewan ko.
Me: Eh yun na'ng tawag ng boys sa kanya eh.
Jazz: Keana. Anlabo. Pusa.
Me: Ang cute nga nya eh. O ayan, di tayo maka-decide sa anong pet natin sa bahay, nagkaroon tuloy tayo ng pet.
Jazz: Baket pusa??
Me: Sya nga pumunta sa bahay natin eh!

Rochelle & I have been trying to feed her milk. I keep saying na kailangan pa nito ng dede ng nanay nya.

Me: Keana, 'asan ba kasi yung nanay mo? Iniwan ka ng mommy mo?
Jazz: Ginawang siopao na yun.

I'll post pics of Keana tomorrow ;-)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...